Tuesday Mar, 31 2020 06:39:59 PM

COVID-19: Mga lalabag sa curfew sa South Cotabato, aarestuhin sabi ng PNP

Local News • 16:00 PM Thu Mar 26, 2020
124
By: 
Grace Toreta/Radyo bida

KORONADAL CITY - Arestuhin ang sinumang lumabag sa curfew hours kaugnay sa ipinatutupad ngayong enhanced community quarantine at calibrated total lockdown sa South Cotabato.

Ito ang iniutos sa mga police personnel ni South Cotabato PNP Provincial Director Police Colonel Jemuel Siason.

Sinabi ni Siason na hindi na maaring ipatupad ng pulisiya ang napagkasunduan noon sa inter-agency meeting task force na pagbibigay ng warning at pag-hold ng sampung oras sa mga lalabag sa curfew.

Paliwanag ni Siason sa kabila kasi ng lockdown marami pa ring mga pasaway na mamamayan ang lumalabag sa mula alas syete ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw na curfew sa South Cotabato.

Dinagdag din ng nasabing police official na dapat seryosuhin ng publiko ang community quarantine para makatulong sa pagpigil sa pagkalat COVID-19.

Bukod dito ayon kay Siason, ipinag-utos mismo ng higher command ng PNP ang paghihigpit ng mga pulis sa mga border control points o checkpoints.

Tiniyak din ni Siason na tuloy pa rin ang law enforcement operation at function ng PNP. Ito ay sa kabila ng pagbaba ng hanggang 90 percent ng crime rate sa South Cotabato dahil sa lockdown.

TABANG: Bringing the Bangsamoro Government to the People

COTABATO CITY  - When the Bangsamoro Organic Law was ratified, anticipation poured in with the new bureaucracy in place. How will the Bangsamoro...

3 arrested for selling unbranded rubbing alcohol

KIDAPAWAN CITY -- Three large-scale suppliers of rubbing alcohol in unmarked containers fell in separate police entrapment operations Tuesday....

NDBC BIDA BALITA (March 31, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. ISA sa walong nasawi sa nagliyab na Lion Air West Wind 24 aircraft sa NAIA...

NDBC BIDA BALITA (March 30, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. BILANG ng COVID-19 cases sa region 12 at BARMM, patuloy na tumataas.

...

O Lord, hear my prayer, and let my cry come to you

Reading 1NM 21:4-9

From Mount Hor the children of Israel set out on the Red Sea road,
to bypass the land of Edom.
But with...