Friday Feb, 28 2020 03:01:39 AM

Barangay sa Lutayan, Sultan Kudarat binaha kasunod ng magdamag na ulan

Breaking News • 11:30 AM Wed Jul 24, 2019
427
By: 
Roel Osano
Photos courtesy of Radyo Bida and Jhun Vasquez Migano

KORONADAL CITY - Ginising ng baha na nanalasa sa kanilang lugar ang may 20 pamilya sa Purok Riverside, Barangay Blingkong, Lutayan, Sultan Kudarat mag-aaluna ng madaling araw kanina.

Kasunod ito ng walang patid na malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay Blingkong Barangay Chairman Maximino Antonio Jr., binaha ang lugar matapos bumigay ang pampang ng katabing sapa. Sinabi ni Maximino na tinangay ng baha ang ilang mga gamit at alagang hayop ng mga mamamayan sa lugar.

Nasira din ang mga katabing mga pananim na gulay at saging. Sa katabing barangay ng Tananzang, sapilitan ring inilikas ang may 50 mga pamilya. Kinumpirma ito ni Lutayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Alryan Limbo.

Ayon kay Limbo bagama’t walang casualty o bahay na nadamay sa pagguho, kailangan pa rin nilang ipatupad ang force evacuation. Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na ngayon ay nasa Barangay Chapel.

Inihayag din ni Limbo na sa ngayon ay hindi pa tiyak kung kelan makababalik sa kanilang lugar ang mga bakwit.

Sinabi ni Limbo na magbibigay ng paunang tulong na pagkain sa mga apektadong mamamayan ang lokal na pamahalaan ng Lutayan.

Kanselado rin ngayong araw ayon kay Limbo ang klase sa Tananzang Elementary School at kalapit na Bangasong Elementary School.

Nagpadala na rin ng mga heavy equipment para maghukay sa apektadong mga lugar ang Lutayan LGU.

Planes to fly in Central Mindanao Airport before 2020 ends

 

MLANG, North Cotabato - Governor Nancy Catamco fulfills her word as she sets the Signing of Deed of Sale of properties and disbursement...

NDBC BIDA BALITA (Feb. 27, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. TATLO KATAO, sugatan kabilang ang mag-ama sa magkahiwalay na mga insidente...

PDEA, cops arrest woman peddling illegal drugs in Tacurong City

TACURONG CITY  – Police and anti-narcotic agents arrested here Wednesday morning a woman who was known for peddling illegal drugs in the city....

Soldiers seize IEDs found in abandoned Dawlah hideout 

MAGUINDANAO --- Soldiers seized a dozen home-made bombs and components for powerful roadside explosives abandoned by Dawlah Islamiya gunmen...

Magnitude 4.3 quake jolts Makilala, North Cotabato

KIDAPAWAN CITY - A magnitude 4.3 quake rocked Makilala, North Cotabato Thursday morning, the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (...