Tuesday Jul, 07 2020 05:28:57 PM

Abuloy sa patay ninakaw sa Koronadal, mga suspek huli

Breaking News • 17:30 PM Wed Jun 26, 2019
875
By: 
Mark Jamillo/Radyo Bida

KORONADAL CITY – Huli ang dalawa katao matapos na nakawin ang abuloy sa patay na nakaburol sa Southern Funeral homes, Gensan Drive, Koronadal City pasado 1:45 kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Richard Navarro, 34 taong gulang at security guard na taga-Barangay Caloocan, Koronadal City at si Bienvinido De Pedro, 31 taong gulang at nakatira sa Barangay Zone 1, Koronadal City.

Sinabi ni John Garcia, isang retired pulis na naroon sa lamay, nakita niyang kinuha ng isa sa dalawang mga suspek ang abuloy sa patay na abot sa sa halagang P3,500.

Ayon kay Garcia, kaunti lamang ang tao sa burol kayat agad niyang napansin ang mga suspek.

Ayon sa imbestigasyon, lumapit umano si De Pedro sa donation box at nag kunwaring magbibigay ng donasyon.

Pero, ayon kay Garcia, kitang kita niyang dinukot ni de Pedro ang mga pera sa box. Ang kasama nitong si Navarro ay nagsilbing lookout sa labas.

Agad na tumawag ng police si Garcia at naaresto ang dalawa.  Itinanggi nina De Pedro at Navarro ang alegasyon.

Ang Southern Funeral Homes ay merong CCTV camera na makapagpatunay sa pangyayari.

Basilan temporarily closed to returning residents as COVID-19 cases rise

COTABATO CITY --- The National Task Force Against Covid-19 has approved a 15-day moratorium on return to Basilan of residents stranded in Metro...

TESDA-12 brings electricity to IP village in South Cotabato

KORONADAL CITY - Over 100 households will soon have electricity in the farthest sitio of Barangay Ned Lake Sebu South Cotabato as Technical...

Maguindanao mayor lauds police, LGU partnership in fight vs. crime, Covid

COTABATO CITY  – Police personnel in the Bangsamoro region who are in charge of community relations are expected to engage more the local...

NDBC BIDA BALITA (JuLY 07, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1.  3 KATAO, nagpositibo sa COVID sa Region 12, sa BARMM, abot...

Patong patong na kaso, kinakaharap ng GenSan ex-councilor at 70 iba matapos salakayin ang ancestral land sa Tboli

T'BOLI, South Cotabato- Inihahanda na ng pulisiya ang kasong kriminal sa 75 katao kabilang ang isang dating General Santos City Councilor na...