Monday Jul, 13 2020 10:08:23 PM

21 Isuzu Elf Garbage truck, ipamimigay na sa mga barangay ng Koronadal City

Local News • 23:15 PM Thu Jun 25, 2020
131
By: 
DXOM-AM Radyo Bida

KORONADAL CITY - Mamimigay ang Koronadal City local govenrment unit ng mga mini-dump truck sa ilang mga barangay upang magamit sa paghahakot ng basura.

Ang bagay na ito ay aprubado na ng Sangguniang Panglungsod sa kanilang session noong nakaraang linggo.

Ang mga nasabing barangay na maaring makakatanggap ng mga Isuzu elf mini dump-truck ay ang mga sumusunod:

• 2 units sa barangay GPS
• 1 unit sa barangay Zone 4
• 2 units sa barangay Zone 3
• 2 units sa barangay Zone 2
• 2 units sa barangay Zone 1
• 1 unit sa barangay San Isidro
• 1 unit sa barangay Mambucal
• 2 units sa barangay Sto. Nino
• 2 units sa barangay Morales
• 2 unit sa barangay Sta. Cruz
• 1 unit sa barangay Carpenter hill
• 1 unit sa barangay Paraiso
• 1 unit sa barangay Assumption
• 1 unit sa barangay Saravia

Ang dump-truck ay eksklusibong gagamitin sa paghakot ng basura at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa solid waste disposal.

Ito ay ipinagbabawal na gamitin sa pagkarga o hauling ng mga mabibigat na bagay tulad ng sand & gravel.

Isa rin sa mga kondisyon ay pagkakaroon ng isang opisyal driver na magmamaneho sa sasakyan at kinakailangan na ito ay isang driver mechanic NC2 passer.

Napag-alaman na ang mga bagong garbage dump-truck ay bahagi ng programa ng lokal ng pamahalaan ng lungsod sa pagpapanatili ng malinis na lungsod at tamang pagtapon ng basura.

ASF sa Magpet, North Cotabato dulot daw ng "chorizo"

Isa ang processed meat na Chorizo sa itinuturong dahilan sa pagkalat ng African Swine fever o ASF sa Magpet North Cotabato.

Sa panayam kay...

Hosts found intact in Manila church ravaged by fire

MANILA - A ciborium with consecrated hosts was found intact amid the rubble from the fire in the Sto. Niño Church in Manila’s Pandacan district,...

8 new coronavirus positive reported in BARMM

COTABATO CITY (July 12) -- Eight new coronavirus disease COVID-19 cases were recorded in the Bangsamoro Region.

Of the eight cases, seven...

Good news: No new COVID-19 case in Soccsksargen

KORONADAL CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today said no new case of COVID-19 was recorded as of today, July 12, Sunday...

Pigcawayan mayor nanawagan ng pagkakaisa dahil isang kababayan positibo sa Covid 19

PIGCAWAYAN, North Cotabato - Umapela si Mayor Jean Dino Roquero sa lahat ng mga kababayan nito na makipagtulungan sa local governrment unit...