Saturday Jul, 11 2020 02:23:58 AM

18 barangay sa S. Cotabato, tinuring na dengue hot spot

HEALTH • 09:30 AM Mon Jul 29, 2019
623
By: 
Roel Osano

KORONADAL CITY - Makikita ang 18 mga barangay sa South Cotabato na dengue hotspot sa mga bayan ng Surallah, Polomolok, Sto. Nino, Norala, Koronadal, Tupi at Tantangan.

Kinumpirma ito ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Alah Baby Vingno. Ayon kay Vingno nakatutok ngayon ang fogging at misting operation ng provincial health office sa mga dengue hot spot sa lalawigan. Dinagdag din ni Vingno na 91 mga barangay sa South Cotabato ay mayroong clustering ng dengue cases.

Ito ay matapos makapagtala ng tatlo hanggang apat na kaso ng dengue sa magkasunod na apat na linggo. Kaugnay nito, umapela naman si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga mamamayan ng lalawigan na magsagawa ng “Operation Kulob”.

Ayon kay Tamayo mahalaga ang pagbaliktad ng anumang bagay na pinamumugaran ng lamok . Paliwanag ni Tamayo ang kaya lamang kasing puksain sa fogging at misting operation na ginagawa ngayon sa mga dengue hot spot ang mga malalaki nang lamok.

Ayon kay Tamayo inaasahan nito na sa pagtutulungan ng mga mamamayan at mga lokal na pamahalaan ay masawata ang dengue na kumitil ng 21 buhay sa South Cotabato nitong taon.

 

NDBC BIDA BALITA (July 10 2020)

HEADLINES:

1. Mayor ng Sto Nino, South Cotabato, patay sa pamamaril kaninang umaga.

2....

Police clueless yet on Shariff Aguak roadside bombing

MAGUINDANAO -- A police master sergeant and a villager were killed while four others were hurt in a bomb attack Thursday night in Shariff Aguak...

5 dead in Central Mindanao gun attacks

COTABATO CITY --- The mayor of Santo Niño town and four others were killed in separate attacks Friday in South Cotabato and North Cotabato...

499 Basilan, Sulu, Tawi-Tawi residents from Manila now safe in Maguindanao

COTABATO CITY --- The 499 Bangsamoro residents stranded in Metro Manila possibly mistakenly ferried to Cagayan de Oro City are now in an isolation...

UPDATE: South Cotabato mayor shot dead, woman hurt

KORONADAL CITY – A South Cotabato town mayor included in the 2016 narco-list of President Duterte was shot dead near his home in Sto Nino, South...