Tuesday Sep, 17 2019 02:25:46 PM

“Pulis Rehiyon Dose Ipinagdiwang ang Ika-121 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas”

Local News • 18:00 PM Wed Jun 12, 2019
427
By: 
Police Lt. Colonel Aldrin Gonzales
Police Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, PRO-12 regional director, leads Independence Day celebration in PRO-12 headquarters, Gen. Santos City

 

GEN. SANTOS CITY - Ang Pulis Rehiyon Dose sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN ELISEO TAM RASCO ay nakiisa sa buong bansa sa ika isang daan at dalawampu’t isang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na may temang, “Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamayan”.

Ipinagdiwang ng kapulisan ng rehiyon dose ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak sa PRO 12 Memorial Hall na sumasagisag sa kabayanihan ng mga yumaong Pulis ng Rehiyon Dose. Sinundan ito ng isang makabuluhang seremonya kung saan ipinaabot ni PBGEN RASCO sa kapulisan ng Rehiyon ang mensahe ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si PGEN OSCAR D ALBAYALDE.

Sa kanyang mensahe, muling pinaalala ng hepe ng kapulisan ang dahilan kung bakit kailangang gunitain ang araw ng ating kalayaan. Ayon pa dito, ang taunang pagdiriwang ay isinagawa upang gunitain at bigyang pugay ang kabayanihang ipinamalas ng ating mga ninunong lumaban, nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay upang makatamtan ang inaasam-asam na kalayaan.

Dagdag pa nito, sa paggunita ng ika-sandaan at dalawampu’t isang taon ng araw ng kalayaan sabay na ipinagbubunyi at binibigyang pugay ng kapulisan ang mga kinikilalang makabagong bayani na patuloy na naglilingkod at nag- aalay ng dugo’t pawis para sa kaligtasan, kaayusan at kaunlaran ng bansang Pilipinas.

Kabilang dito ang magigiting na pulis at mga sundalo, mga bombero, mga guro, mga magsasaka, mga metro aide, at iba pang mga lingkod bayan at mamamayang nagsasakripisyo, nagtatrabaho at nag-aalay ng buhay para sa sambayanang Pilipino.

Hinikayat din ni PGEN ALBAYALDE na lahat ng miyembro ng kapulisan na maghandog ng higit pang makabuluhan, matapat at masigasig na paglilingkod sa mamamayan at Patuloy na isulong ng buong tapang at dedikasyon ang pakikibaka laban sa krimen at iligal na droga.

Ayon pa dito, “Isulong natin ng buong puso ang pagbabago sa ating organisasyon at huwag na nating payagang sirain pa ng mga tiwaling pulis ang pangalan at imahe ng kapulisan. Ipakita natin ang tunay na puso ng pulis – ang pusong may malasakit at handang mag-alay ng buhay para sa sambayanan, ang pusong magiting at matapang sa harap ng anumang hamon at panganib, at ang pusong may takot at paniniwala sa Diyos at nag-aalab ang pagmamahal sa sariling bayan”

Upang mas lalong maging makabuluhan ang selebrasyon, madamdaming inawit ng kapulisan ng rehiyon ang “Pilipinas Kong Mahal” sa pangunguna ng Koro ng Pulisya ng Rehiyon Dose na sinabayan naman ng pagpapakawala ng puting kalapati na sumisimbolo sa masidhing adhikain nito para sa isang malaya, ligtas at mapayapang Rehiyon Dose.

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...

Pope Francis to visit Thailand and Japan in November

VATICAN — The Vatican confirmed Friday that Pope Francis will travel to Thailand and Japan in November with stops scheduled in Tokyo,...